Nagsimula ang lahat sa mga cryptic post ni Zeinab na pinaniniwalaang para raw kay Wilbert. Tungkol ito sa mga patutsada ng dalaga sa mga taong manggagamit at traydor.
Tila nagsiklab ang kalooban ni Wilbert dahil marami umano ang nagpapadala sa kaniya ng personal message tungkol sa cryptic post ni Zeinab hinggil sa mga “manggagamit”.
May mga kaibigan daw si Wilbert na nagpapadala sa kanya ng mga social media post ni Zeinab at naniniwala sila na para raw ito sa talent manager.
“Nakita naman ninyo ang post ng aking mentor, si Momshie Zeinab,” ang simulang pahayag ni Wilbert sa kanyang vlog na ina-uploa sa kanyang YouTube channel kahapon, October 23.
Napatunayan daw ni Wilbert na siya ang tinutukoy ni Zeinab sa mga cryptic post nito kahit wala itong binanggit na pangalan. Aniya, ang sinabi ng dalaga na “bading na akala mo inay-inay mo” sa post nito ay sapat na para masaktan siya.
Ayon kay Zeinab, wala raw dapat pagkatiwalaan sa mundong ito kahit pa ang kaibigang mong mabait kapag nakaharap subalit “ginagago” ka naman daw pag nakatalikod ka na.
Inamin naman ni Wilbert na malaki ang utang na loob niya kay Zeinab ngunit aniya, may natatanggap na bayad ang vlogger mula sa kanya. Thankful din siya dahil marami siyang nakilalang YouTubers na naka-collab niya.
Ngunit rebelasyon ni Wilbert, may mga vloggers din na gusto sana niyang maka-collab pero “hinaharang” umano ni Zeinab.
Hinayaan lamang daw ni Wilbert na palabasing si Zeinab talaga ang nag-aabot ng tulong, upang gumanda ang imahe nito. Wala raw nakikitang masama si Wilbert sa mga ginagawang ito ni Zeinab, dahil aniya ay nakatutulong ito sa promosyon ng kani-kanilang vlogs.
Namumuro ngayon ang kaso na maaaring isampa laban sa pambansang marites na si Xian Gaza matapos ang kanyang bersyon ng ‘Ang Rebelasyon’ sa nagpapatuloy na isyu at siraan ng mga Pinoy vloggers.
Sa kanya kasing Facebook video, inispluk nito ang umano’y pagkakasangkot sa scam, extorsion, at fraud ng isang personalidad na kabilang sa isyu ng talent manager-vlogger na si Wilbert Tolentino at influencer na si Zeinab Harake.
Nireveal din ni Wilbert na napagkakitaan umano ni Zeinab si “Hipon Girl” nang ipakilala niya ito sa kaniya, matapos ang panayam ni Toni Gonzaga sa “Toni Talks”.
Sa kasagsagan din umano ng kasikatan ni “Madam Inutz” sa kaniyang online selling, hindi raw umano gustong makipag-collab dito ni Zeinab dahil “mawawala” rin daw ang interes ng mga netizen sa kaniya. Ipinagdiinan ni Wilbert na hindi basta-basta nakikipag-collab sa ibang vloggers si Zeinab “kung wala namang mapapala” rito. Natatakot aniya itong maagawan o malipatan ng subscribers.
“Yun ba sa tingin n’yo, good influencer ‘yun?” sey ni Wilbert.
Bagamat hindi niya direktang pinangalanan si Wilbert, sa ginawa nitong pagdepensa kay Zeinab ay tila tumutuoy ang kanyang mga alegasyon laban sa talent manager.
Tumugon na dito ang kampo ni Wilbert sa pamamagitan ni Atty Toto Causing (yes, ang abugado rin ng Pamilya Mabasa sa Lapid Slay Case) at nag-demand ng public apology kay Xian.
Inisa-isa at pinabulaanan ni Atty Toto ang lahat ng mga rebelasyon ni Xian.
Ito ay kahit na mayroon ding mga pi-nost na screenshots si Xian Gaza ng mga umano’y dating nagtrabaho sa scam operations.
Sa huli, biglang kumambyo si Xian at sinabing wala siyang direktang pinangalanan sa kanyang video.
No comments:
Post a Comment